14.7 C
Baguio City
Saturday, October 26, 2024
spot_img

Panibagong 300 jetmatic pumps, ipinamahagi ng LGU Mangaldan sa Pangasinan

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan sa pamumuno ni Mayor Bona Fe De Vera Parayno ng libreng jetmatic pumps sa iba’t ibang barangay katuwang ang Mayor’s Office (MO) at Community Affairs Office (CAO) nito lamang ika-15 ng Mayo 2023.

Nitong nakaraang linggo, nagtungo ang mga kinatawan ng CAO at MO sa mga barangay ng Amansabina, Buenlag, Banaoang at Guilig kung saan umabot sa 28 jetmatic pumps ang naipamahagi.

Noong Mayo 15, mga barangay ng Salay, Talogtog at Bantayan ang nabahagian ng sampung jetmatic pumps.

Sa ulat ng CAO, umabot sa 200 jetmatic pumps ang naitalang naibigay sa unang bugso ng distribusyon simula Nobyembre 2022 hanggang Pebrero 2023.

Sa pangalawang bugso ng pamamahagi na nagsimula nitong ika-8 ng Mayo, 2023, target na ipamigay ang tinatayang 300 jetmatic pumps para sa mga approved petitioners na may luma o sirang jetmatic pump.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles