23.8 C
Baguio City
Saturday, October 26, 2024
spot_img

Mga magsasaka na naapektuhan ng Bagyong Neneng, nabigyan ng tulong

Pinangunahan ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Pablito V. Sanidad Sr ang pamamahagi ng mga pataba at iba pang pangangailangan sa mga magsasaka na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Neneng noong Oktubre 2022 nito lamang ika-14 ng Mayo 2023.

May kabuuang 54 na magsasaka sa lokalidad ng Narvacan ang nabigyan ng Triple 14 o Complete at 0-0-60 o Potassium Fertilizers na gagamitin sa kanilang susunod na pagtatanim.

Bukod dito, namahagi din ng libreng mga buto ng pakwan para sa mga magsasaka.

Sa mensahe ni Mayor Sanidad Sr ay bibigyan ng prayoridad ang mga magsasaka dahil malaki ang papel nila sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa lalo na sa pagtitiyak ng tuloy-tuloy na matatag ang food security ng mga mamamayan.

Source: Narvacan Naisangsangayan

Panulat ni Malayang Kaisipan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles