16.5 C
Baguio City
Saturday, October 26, 2024
spot_img

Miss Baguio, pasok sa Top 3 sa katatapos na Miss Universe Philippines 2023; Miss Charm Philippines, nasungkit din

Pasok sa Top 3 si Miss Baguio Krishnah Gravidez sa katatapos lamang na Miss Universe Philippines 2023 na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City nito lamang ika-13 ng Mayo 2023.

Bukod pa dito ay nasungkit din ni Miss Baguio ang Miss Charm Philippines kung saan siya ang kinatawan ng Pilipinas sa 2024 Miss Charm Pageant na gaganapin sa Vietnam.

Matatandaan na si Miss Baguio ay nanalo rin ng Best Swimsuit noong coronation night at itinanghal na Tingog ng Filipina Luzon dahil sa pagpapakita ng kagandahan, pagpapahalaga at kinang na dapat taglayin ng isang modern at empowered Filipina para maging inspirasyon ng iba.

Si Ms. Baguio-Krishnah Gravidez ay isang 21-year-old, civil engineering student at kinoronohan na Miss Baguio noong August 2022.

Siya rin ay miyembro ng “Colors of Kindness”, isang charity organization na naglalayong magbigay ng inspirasyon, bigyang kapangyarihan, at iangat ang mga kabataan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles