19.8 C
Baguio City
Sunday, October 27, 2024
spot_img

Dating miyembro ng CPP-NPA, boluntaryong sumuko sa Malolos, Bulacan

Boluntaryong sumuko ang dating miyembro ng Communist Party of The Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Barangay Guinhawa, Malolos City, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-10 ng Mayo 2023.

Ayon sa Bulacan PNP, nagbalik-loob sa pamahalaan si alyas “Ka Arman”, 52 anyos, isang construction worker at miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan.

Napag-alaman din na isinuko nito ang isang hindi lisensyadong baril; tatlong bala; at dalawang cartridge shell.

Hinihikayat naman ng pamahalaan ang lahat ng natitirang miyembro ng makakaliwang grupo na iwanan ang organisasyon na ang pinaglalaban ay mga maling ideolohiya at walang ibang dulot kundi karahasan at terorismo na hadlang sa pagkamit ng tunay na kapayapaan sa ating inang bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles