14.9 C
Baguio City
Tuesday, November 19, 2024
spot_img

Financial Assistance bigay ng DSWD Region II, umabot na sa Php1,269,000 para sa biktima ng bagyong “Paeng”

Tinatayang nasa Php1, 269,000 ang halagang na-disbursed ng DSWD Region II bilang financial assistance sa mga pamilyang napinsala ng bagyong “Paeng” sa buong Region 2.

Simula pa lang ng pagsasagawa ng relief operation ay nagpamigay na ng tulong pinansyal na Php10,000 sa mga tuluyang nasira ang tahanan at Php5,000 naman sa maliit lang ang nasira.

Samantala, nakatanggap din ang mga magsasaka at mga indigenous family ng Php3,000 bawat isa.

Sa pangunguna ni DSWD FO2 Regional Director Lucia Suyu-Alan, naipamahagi ang mga tulong pinansyal at relief goods sa mga pamilyamg naapektuhan sa Cagayan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya province.

Ayon sa isang benepisyaryo, laking pasalamat nila sa agarang tulong ng DSWD Region II sa kanilang natanggap sapagkat malaking bagay ito sa muling pagbangon ng kanilang mga pamilya.

Layunin ng DSWD Region 2 na iparamdam sa mga mamamayan na hindi sila nag-iisa sa oras ng kalamidad o kagipitan at handang tumulong anuman ang pangangailangan ng ating mga mamamayan lalo na sa mga mahihirap na pamilya.

Source: DSWD Region II

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles