Nagsagawa ng Clean-up Drive ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa mga kanal at creek ng Tarlac City nito lamang Sabado, ika-29 ng Oktubre 2022.
Nagtulungan sa aktibidad ang mga tauhan ng City Engineering Office at City Government and Natural Resources Office.
Tinanggal ang mga basura na nakalutang sa mga kanal at creek na nagdudulot ng pagbara at pagbaha sa mga kalsada ng naturang lungsod.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na patuloy silang maghahatid ng serbisyo upang matiyak ang seguridad ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.