Nakatanggap ang mahigit 600 na estudyanteng purok scholars ng Educational Assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan noong Oktubre 25, 2022 sa Cagayan State University Lal-lo, Cagayan.
Ang mga scholars ay mula sa iba’t ibang bayan ng Allacapan, Ballesteros, Gattaran, Lal-lo, at Lasam ng Cagayan.
Pinangunahan ni Provincial Treasurer Mila Mallonga ang nasabing distribusyon kasama sina Provincial Government Cagayan Executive Assistant, Dr. Archie Articulo, CSU- Lal-lo OIC-CEO, Lauro Julian, SB Rowyn Samonte.
Umabot na sa Php11,499,000 ang naibabang tulong ng nasabing Pamahalaan para sa mga estudyante para sa School year 2022-2023.
Source: Cagayan PIO