Nagsagawa ng actual site inspection at monitoring ang mga tauhan ng Regional Engineers na pinangunahan ni Mrs. Lorilyn Ferrer para sa Support to Barangay Development Program Projects (SBDP) sa Brgy. Duldulao hanggang Bangilo District, Maclibong, Abra nito lamang Oktubre 19, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang sangay ng gobyerno kabilang dito ang mga miyembro ng Department of Labor and Employment, Department of Environment and Natural Resources, at Department of Interior and Local Government.
Nagbigay naman ng seguridad sa naturang actual site inspection ang Abra PNP at Philippine Army upang siguraduhin ang kaligtasan at kaayusan ng lahat ng dumalo.