Nagpadala ng tulong ang Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) sa mga biktima ng lindol sa Kalinga nitong Agosto 1, 2022.
Sa kabuuan, umabot sa 3,700 Family Food Packs ang tinanggap ng Provincial Local Government Unit ng Kalinga para sa mga pamilyang biktima ng magnitude 7.3 na lindol noong Hulyo 27, 2022.
Nauna ng nabigyan ng tulong ang Bangued, Abra kung saan nakatanggap sila ng 3,500 na family food packs (FFPs) at 400 na modular tents mula sa DSWD FO2, kasama din ng karagdagang 50 modular tents na galing naman sa Office of Civil Defense Region 2.
Samantala, siniguro naman ng DSWD FO2 na patuloy sila sa pagbibigay ng agarang pagtugon sa mga sakuna.
Source: DSWD Region 2