15.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Proyektong Flood Control sa Dingalan Feeder Port, pinasinayaan ng DPWH Central Luzon

Pinasinayaan ng Department of Public Works and Highways Central Luzon ang flood control project sa Dingalan Feeder Port sa Brgy. Paltic, Dingalan, Aurora nito lamang ika-1 ng Agosto, 2022.

Sinimulan ni DPWH-Aurora District Engineer Roderick Andal kasama si Aurora Lone District Representative Rommel Angara ang ceremonial groundbreaking para sa pagpapatayo ng 355-linear meter na proyekto.

Ayon kay Engineer Andal, ang gabion retaining walls ng Free Port ay luma na at nasira dahil sa mga nagdaang malalakas na bagyo.

Nagkakahalaga ng Php47,530,000 ang nasabing proyekto kung saan magsisilbing flood mitigation na makakatulong upang mapigilan ang pagbaha sa naturang lugar tuwing sasapit ang tag-ulan.

Siniguro din ni Engr. Andal na papabilisin ang pagsasagawa ng proyekto upang mapakinabangan na ito ng komunidad lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Source: DPWH Central Luzon

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles