15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Higit dalawampung paaralan sa Zambales nakatanggap ng makabagong kagamitang pang-paaralan

Naglagay ng tinatawag na STARBOOKS 2022 ang Science and Technology Information Institute (DOST-STII) katuwang ang Zambales Provincial Science and Technology Center (PSTC-Zambales) sa iba’t ibang paaralan sa Castillejos, Zambales nito lamang ika-1 ng Agosto 2022.

Ang STARBOOKS ay isang teknolohiyang pang-edukasyon na naglalaman ng libo-libong na-digitize na mga aralin ng agham at teknolohiya sa iba’t ibang mga format (teksto at video/audio).

Ang programa ay mula sa inisyatibo ng Research and Development of the Department of Science and Technology (DOST) na si Dr. Rowena Cristina L. Guevara, Castillejos Councilor na si Rhodora Guevara at San Agustin High School.

Sa kabuuan, 22 na paaralan ang nabigyan ng nasabing teknolohiya.

Kabilang sa mga nabigyan ay ang Looc Integrated School, President Ramon F. Magsaysay Elementary School, Castillejos Resettlement High School, V. Gallardo Elementary School, Balaybay Resettlement Elementary School, San Agustin High School, Balaybay Elementary School, Castillejos Elementary School, San Agustin Elementary School, Kanaynayan Elementary School, Del Pilar Elementary School, Villaflor Elementary School, St. Nicholas Academy of Castillejos Inc., San Isidro Elementary School, Jesus F. Magsaysay Technical – Vocational High School, Sta. Maria Elementary School, Nagbayan Elementary School, San Nicolas Primary School, Buenavista Elementary School, Hanjin Integrated School, Castillejos National High School, at Magsaysay Elementary School.

Ang ganitong programa ay nagpapatunay lamang na ang ating gobyerno ay patuloy sa pagpapaganda ng sistema ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya,

Source: Pstc Zambales

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles