Nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang mga residente ng Brgy. Suyo at Brgy. Pamutic sa Pidigan, Abra nito lamang Agosto 1, 2022.
Humigit kumulang 178 na residente ng Brgy. Suyo at 175 na residente mula naman sa Brgy. Pamutic ang nabigyan ng food packs mula sa Local Government Unit ng Abra at Department of Social Welfare and Development Abra.
Katuwang din sa nasabing operasyon ang mga barangay officials ng nasabing lugar at kapulisan ng Pidigan Municipal Police Station at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, Abra.
Patunay lamang na ang ating gobyerno ay patuloy sa pagtulong anumang oras at kalamidad na haharapin ng ating mga kababayan.