Sinimulan na nitong Sabado, Hulyo 30, 2022 sa pamamagitan ng isang Kick-off Ceremony ang tatlong araw na Provincial Youth Leadership Summit na naganap sa Cagayan Sports Complex, Tuguegarao City, Cagayan.
Nilahukan ang aktibidad ng mga kabataan mula sa iba’t ibang munisipalidad sa probinsya ng Cagayan.
Ang nasabing Summit ay inisyatibo ng 501st Infantry Brigade, 5th Civil-Military Operation Battalion, 17th Infantry Battalion, at 77th Infantry Battalion, Philippine Army.
Layunin nito na ipamulat sa mga kabataan ang mga maaari nilang maitulong upang makamit ang isang mapayapa at tahimik na komunidad.
Bukod pa dito, isinagawa din ang summit upang mailayo sila sa mga mapanlinlang na taktika ng makakaliwang grupong Communist Terrorist Group.
Source: 5th Infantry Division, Philippine Army