Namatay ang isang lalaki sa pagguho ng tatlong palapag na gusali dulot ng 7.0 magnitude na lindol sa Buyagan, La Trinidad, Benguet nito lamang Hulyo 27, 2022.
Kinilala ang namatay na si Aron Cul-eteng, 25, lalaki at residente ng Pinsao, Pilot, Baguio City.
Nasa basement ang biktima at kasama nito na kasalukuyang ginagawa ang building nang biglang lumindol. Tatakbo sana ang biktima ngunit nadaganan ito ng mga naglalaglagang debris na nagdulot ng kanyang pagkasawi.
Samantala, ang kasama naman ng biktima ay nagtamo ng mga pinsala sa katawan na agad naman itong dinala ng La Trinidad MPS sa pinakamalapit na hospital para sa agarang lunas.