15.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Loose Firearms boluntaryong isinuko ng punong barangay sa PeƱarrubia, Abra

Boluntaryong isinuko ng isang punong barangay ang isang armas sa PeƱarrubia PNP sa Barangay Sta. Rosa, PeƱarrubia, Abra nito lamang Hulyo 16, taong kasalukuyan.

Kinilala ang boluntaryong nagsuko na si Edmundo Gonzales Quintos, punong barangay ng nasabing lugar.

Isinuko ni Quintos ang isang Caliber 38 revolver na walang serial number.

Bago ang pagsuko ng nasabing armas, nagsagawa ng dialogue/pulong-pulong ang PeƱarrubia PNP sa pamumuno ni PCpt Aldrin B Alipio, Acting COP patungkol sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kasama ang mga opisyal ng barangay sa mga residente sa nasabing lugar.

Layunin nitong suportahan ang kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad at insurhensya para sa katahimikan at kaayusan ng bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles