Nagbalik-loob sa gobyerno ang isang lalaki na dating taga suporta ng Bayan Muna at Milisyang bayan sa bayan ng Tarlac nito lamang ika-15 ng Hulyo 2022.
Kinilala ang sumuko na si “Ka Arci”, 45, at residente ng Zone 5 Barangay San Isidro, Tarlac City.
Sumuko si “Ka Arci” sa 1st Provincial Mobile Force Company ng Tarlac, Regional Engineering Office 3 PIT at Provincial Intelligence Unit Tarlac.
Base sa impormasyon, inamin ni “Ka Arci na sinusuportahan niya ang Bayan Muna Partylist at nakikilahok siya sa iba’t ibang rally na isinasagawa ng nasabing grupo.
Kasabay ng kanyang pagbabalik-loob ay ang pagsuko niya sa 20 pirasong bala ng M60 Caliber na baril.
Ang pagsuko ni Ka Arci ay tanda ng epektibong pakikipagnegosasyon ng mga otoridad sa mga nawawala sa landas upang maging mapanuri at makapagdesisyon ng tama kontra sa mga mapanlinlang na estratehiya ng mga makakaliwang organisasyon.