Nakilahok ang 7th Infantry (Kaugnay) Division sa 3.4km Fun Run at Tree Planting Activity sa pangunguna ni Major General Andrew D Costelo, Commander ng Philippine Army, na naganap sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija nito lamang ika-12 ng Hulyo 2022.
Ito ay bahagi ng 34th Founding Anniversary ng Kaugnay Division, Philippine Army na dinaluhan din ng iba pang opisyales, enlisted personnel at civilian human resource ng 7th ID.
Sa kanyang pahayag, malugod na tinanggap ni MGen Costelo ang mga kalahok sa pagdiriwang at umaasa siyang sa pamamagitan ng aktibidad ay mabibigyang pansin ang kanilang kalusugan.
Nagtapos ang aktibidad sa isang tree planting activity kung saan nakapagtanim ang mga kalahok ng 70 Agoho tree, 22 fire tree, 66 kawayan tree at 5 chinese acacia seedlings.
Dagdag pa ni MGen Costelo na patuloy ang kanilang pagsuporta sa pagpapalaganap ng kamalayan sa pangangalaga sa kapaligiran at ipakita ang pagkakaisa para hikayatin ang mga mamamayan na suportahan ang mga adbokasiya ng kasundaluhan.
Source: 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army