Sugatan ang walong indibidwal matapos mahulog ang kanilang sinasakyang private utility vehicle (Tamaraw FX) sa ilog sa Betag, La Trinidad, Benguet nito lamang Hulyo 13, 2022.
Ang driver at ang pito pang kasamahan nitong biktima ay mga kapwa manggagawa at residente ng Itogon, Benguet.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng La Trinidad Municipal Police Station, habang binabagtas ng Tamaraw FX ang diversion road sa Betag ay hindi natantya ng driver ang palikuan sa kalsada dahilan upang mawalan ito ng kontrol na nagresulta sa pagkahulog sa ilog na may lalim na 7 feet.
Kaagad namang dinala ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan para sa agarang lunas.
Samantala, napag-alaman na nagtamo ang mga biktima ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan at walang naitalang nagkaroon ng malubhang pinsala.