Narekober ng pinagsamang puwersa ng PNP at AFP sa bulubundukin ng Brgy. Alucao, Sta. Teresita, Cagayan ang tatlong matataas na kalibre ng baril, mga magazine, at granada nitong Huwebes, Hulyo 14, 2022.
Natunton ng mga tauhan ng 501st Brigade, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, at Sta. Teresita Police Station ang lokasyon ng mga baril matapos ibunyag ng isang dating rebelde ang lugar kung saan ito itinago ng teroristang grupo.
Nakuha mula sa bulubunduking bahagi ng Sitio Bigoc ang dalawang M16 rifle, isang M14 rifle, walong magazine ng M16, isang magazine ng M14, at labing-isang hand grenade.
Dinala ang narekober na armas at pampasabog sa Bravo Company, 77th Infantry Battalion para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.