14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Higit 400 na bagong sundalo sumailalim na sa mahigpit na pagsasanay sa Nueva Ecija

Sumailalim na sa mahigpit na pagsasanay ang higit 400 na bagong sundalo sa 7th Division Training School, 7ID Grandstand, Fort Magsaysay, Nueva Ecija nito lamang ika-31 ng Mayo 2022 sa Nueva Ecija.

Malugod na tinanggap ni Major General Andrew D Costelo, 7ID Commander Philippine Army ang mga bagong sundalo na sasailalim sa Basic Military Training (BMT).

Ito ay binubuo ng Class 733, 734 at 735 na may 52 na kababaihan at 372 na kalalakihan.

Ang kanilang pagsasanay ay magtatagal ng apat na buwan kasunod nito ang dalawang buwan na Infantry Orientation Course.

Ayon kay MGen Costelo, layunin nitong palakasin ang pangangatawan, damdamin at isipan, mahasa ang kakayanan sa pakikipaglaban, pahusayin ang kaalam sa military science, malinang ang tamang disiplina, at integridad sa mga sarili upang ihanda sa mundo ng pagseserbisyo sa bayan.

Hinikayat din ni MGen Costelo ang mga bagong rekrut na sundalo na patuloy ang kanilang dedikasyon sa pinili nilang propesyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles