16 C
Baguio City
Monday, October 7, 2024
spot_img

San Fernando, La Union LGU, binigyang diin ang pagbabakuna sa Lungsod

Nagkaroon ng pagpupulong ang Department Heads ng City Government of San Fernando, La Union patungkol sa bakuna nito lamang Mayo 23, 2022.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni City Mayor Hermenegildo “Manong Dong” Gualberto’s. Ito ay upang bigyang diin at palawakin pa ang pagbabakuna sa siyudad lalong lalo na ang pagbibigay ng booster shots.

Ayon pa kay Manong Dong, kailangan hikayatin pa ang mga residente na komunsulta sa City Health Office kung may nararamdamang sintomas ng COVID-19 para kaagad silang magamot at para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa nasabing lugar.

Dagdag pa ni Manong Dong, ang pagbabakuna ay karagdagang proteksyon pangontra sa COVID-19 at iba pang variants nito.

Bago matapos ang nasabing aktibidad, hinikayat ang bawat mamamayan na makiisa sa vaccination program sa nasabing lugar.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles