17.2 C
Baguio City
Friday, August 14, 2026
spot_img

Dating NPA member, nagbalik-loob sa Bulacan; baril, isinuko

Nagbalik-loob sa mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office ang isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at isinuko ang kanyang baril bandang 1:30 ng hapon noong Agosto 1, 2026 sa Headquarters ng 1st Bulacan PMFC, Camp General Alejo S Santos, Brgy. Guinhawa, Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Jeff,” 41 anyos, isang construction worker, at residente ng Brgy. Caingin, Meycauayan City, Bulacan at isinuko nito ang isang Caliber .38 revolver na walang serial number at isang bala.

Napag-alaman na ang sumuko ay dating miyembro ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na dating kumikilos sa mga baybaying lugar ng Bulacan, Pampanga, Zambales, at Bataan.

“Ang boluntaryong pagsuko ng dating miyembro ng CTG ay patunay na epektibo ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa komunidad at ang ating mga programa para sa kapayapaan. Hinihikayat namin ang iba pang naliligaw ng landas na magbalik-loob sa pamahalaan upang magkaroon ng panibagong pagkakataon at makapamuhay nang mapayapa kasama ang kanilang pamilya.” mensahe ni Police Colonel Jay B Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles