23.3 C
Baguio City
Monday, October 7, 2024
spot_img

Hideout ng CTG nadiskubre sa lalawigan ng Ifugao

Nadiskubre ng mga otoridad ang pinaghihinalaang hideout ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Sitio Likew, Barangay Namal, Asipulo, Ifugao nito lamang Lunes, Mayo 23, 2022.

Ayon sa mga tauhan ng Asipulo Municipal Police Station, habang sila ay nagsasagawa ng Focused Military Operation (FMO) sa Sitio Likew ay kanilang nakaengkwentro ang mga nasabing rebelde na pinaghihinalaang mula sa Guerilla Front-Abra, Mountain Province, Ilocos Sur (WGF-AMPIS).

Dagdag pa ng mga pulisya, matapos ang engkwentro na nagtagal ng 20 minuto ay agad silang nagsagawa ng hot pursuit operation kasama ang Alpha Company 54th IB, 5 ID, Philippine Army na nagresulta sa pagkadiskubre ng nasabing hideout.

Nakuha mula sa hideout ang isang jungle pack, 20 piraso ng blasting caps, isang anti-personnel mine, medical kit, cellphone at mga dokumento.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng hot pursuit operation ng mga otoridad kontra sa nasabing rebeldeng grupo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles