Para sa ligtas na pagdiriwang ng Bagong Taon, sa ilalim ng direktiba ni PLTCOL Rommel E Geneblazo, Hepe ng Malolos PNP, nakipag-ugnayan ang Malolos PNP sa mga ahensya ng Bureau of Fire Protection (BFP) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) bilang bahagi ng paghahanda para sa Oplan Iwas Paputok 2025 noong Disyembre 27, 2025 sa MSCC Compound, Malolos City, Bulacan.
Sa naturang koordinasyon, napag-usapan ang mga hakbang at pulong na isasagawa para sa pagsusuri ng mga paputok sa nag-iisang Firecracker Display Area sa Lungsod ng Malolos na matatagpuan sa MSCC Compund, Barangay Bulihan.
Layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng publiko, maiwasan ang anumang insidente, at mapanatili ang kaayusan sa komunidad sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ang Malolos CPS, katuwang ang BFP at CDRRMO, ay nananatiling nakatuon sa proactive safety measures at community protection, alinsunod sa pambansang kampanya ng PNP para sa isang ligtas, mapayapa, at masayang Bagong Taon.
Source: Bulacan PPO FB Page




