18.3 C
Baguio City
Tuesday, June 30, 2026
spot_img

LGU Tuguegarao City, Nagsagawa ng payout ng Financial Assistance sa mga Estudyanteng Benepisyaryo

Masayang tinanggap ng nasa 1,853 estudyante ang pamamahagi ng Financial Assistance for Students ng Local Government Unit ng Tuguegarao City, na pinangunahan ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que, noong ika-26 ng Nobyembre 2025. Ito ay isinagawa sa magkahiwalay na lokasyon sa Tuguegarao City Multipurpose Gymnasium sa tabi ng City Hall at sa Tuguegarao City Commercial Center.

Pinangasiwaan ang payout ng City Mayor’s Office, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Local Youth Development Office (LYDO), at Barangay Affairs Office, katuwang ang mga kawani ng DSWD Region II.

Sa kaniyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Maila ang kaniyang taos-pusong pasasalamat kay Senador Mark Villar, na naglaan ng pondo sa pamamagitan ng AICS Educational Program para sa mga estudyante ng Tuguegarao. Gayundin sina President Ferdinand R. Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian sa patuloy na pagtulong at pagbibigay ng oportunidad para sa kabataang Tuguegaraoeño.

Dumalo rin sa payout sina City Councilors Anthony Tuddao, Myrna Guzman Te, at Executive Assistant Grace Arago, na personal na nagpaabot ng suporta sa mga estudyanteng benepisyaryo.

Patuloy ang pagsasagawa ng ganitong aktibidad upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral at sa susunod pang henerasyon.

Source:TCIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles