Ipinakita ng iba’t ibang paaralan sa siyudad ang kanilang galing sa Mural Making Contest na isinagawa ng Regional Sub-Committee for the Welfare of Children (RSCWC), na pinamumunuan ng DSWD Field Office 02 at mga iba pang ahensya ng gobyerno noong ika-24 ng Nobyembre 2025 sa Tuguegarao West Central School.

Ang kompetisyon ay bahagi ng selebrasyon ng 2025 National Children’s Month (NCM) na may temang: “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bawat Bata, Ipaglaban!”
Bukod sa pagpapakita ng kanilang talento, ang Mural Making Contest ay naglalayong palakasin ang kamalayan ng kabataan at ng komunidad tungkol sa karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat bata. Sa pamamagitan ng sining, naipapahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mensahe at pangarap para sa mas ligtas at mas makulay na kinabukasan ng kabataan.

Kabilang sa mga lumahok ang Cagayan National High School, Tuguegarao City Science High School, Capatan National High School, at Cataggaman National High School, na nagpakitang-gilas sa kani-kanilang mga obra.
Ang mga nagwagi ay ipaparangalan sa culminating activity ng 2025 NCM sa darating na Disyembre 4, 2025.
Source: DSWD Region II




