17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Lalawigan ng Isabela, nagdaos ng kauna-unahang Indigenous People’s Summit bilang pagdiriwang ng Indigenous People’s Month

Matagumpay na isinagawa ang kauna-unahang Indigenous Peoples (IP) Summit sa Capitol Amphitheater, Alibagu, Lungsod ng Ilagan noong Oktubre 14, 2025, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Indigenous People’s Month ngayong Oktubre na may temang “Weaving Culture, Enriching Future: Empowering Indigenous Communities as Bedrock of Sustainable Development.”

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela katuwang ang Isabela Coastal Development Office at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang naturang pagtitipon, na nilahukan ng mga pinunong katutubo, miyembro ng Agta communities, mga guro at mga kinatawan mula sa iba’t ibang bayan ng lsabela.

Kabilang sa mga nagsilbing tagapagsalita sina Atty. Ronaldo Daquioag, Regional Director ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), na binigyang-diin ang kahalagahan ng pangangalaga sa cultural integrity at ancestral domain rights ng mga katutubo.
Tinalakay naman ni Dr. Nestor T. Castro, cultural anthropologist mula sa UP Diliman, ang kahalagahan ng tradisyunal na pamumuhay ng mga katutubo bilang ehemplo ng balanseng ugnayan ng tao at kalikasan.

Layunin ng Indigenous Peoples Summit na mapalalim ang kamalayan ng publiko sa kultura, karapatan, at kontribusyon ng mga katutubo.
Ang mapangalagaan ang kanilang pamayanang kultural at mapagtibay ang ugnayan ng pamahalaan at mga IP communities tungo sa inklusibo at sustenableng pag-unlad ng lalawigan ng Isabela.

Source: Isabela PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles