17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Mga Senior Citizen ng Bayambang, masiglang ipinagdiwang ang Elderly Filipino Week

Masiglang ipinagdiwang ng mga senior citizen ng Bayambang, Pangasinan ang Elderly Filipino Week noong Oktubre 13, 2025, sa Bayambang Events Center.

May temang “Bayambang Senior Citizens: Aging with Dignity & Integrity,” ang pagdiriwang ay layuning kilalanin ang mahalagang papel at karapatan ng mga nakatatanda sa lipunan, gayundin ang kanilang patuloy na ambag sa pag-unlad ng komunidad.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga nakatatanda:

“Ang ating mga senior citizen ay hindi lamang mga haligi ng ating pamilya kundi pati na rin ng ating bayan. Sila ay may malawak na karanasan at kaalaman na dapat nating pakinggan at pahalagahan,” aniya.

Dumalo rin sa naturang pagdiriwang sina Board Member Shiela Marie Baniqued, bilang kinatawan ni Governor Ramon Guico, BM Vici Ventanilla, at ang kinatawan ni Cong. Rachel Arenas. Nakibahagi rin sina Vice Mayor Ian Camile Sabangan at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, na nagpahayag ng kanilang suporta sa mga programa para sa kapakanan ng mga senior citizen.

Bukod sa mga talumpati at mensahe ng pasasalamat, tampok din sa selebrasyon ang iba’t ibang aktibidad tulad ng sayawan, kantahan, at raffle prizes mula kay Mayor Niña at iba pang opisyal, na naghatid ng saya at kulay sa pagtitipon.

Ang Elderly Filipino Week ay isang taunang selebrasyon na naglalayong itaas ang kamalayan ng publiko sa mga isyung kinahaharap ng mga senior citizen sa bansa, at hikayatin ang lahat na magpakita ng malasakit at pagpapahalaga sa mga nakatatanda—ang tunay na haligi ng ating lipunan.

Source: Balon Bayambang
Panulat ni: TS Carina

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles