17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Relief Operation, handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga

Handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang isang relief operation para sa mga Minaleño sa Barangay Saplad, Minalin, Pampanga nito lamang Miyerkules, Oktubre 8, 2025.

Sa ngalan nina Governor Lilia “Nanay” Pineda at Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, personal na pinangunahan ni Board Member Dra. Kaye Naguit, ang pamamahagi ng tulong sa mga residente.

Mahigit 4,431 residente mula sa iba’t ibang barangay ang nakatanggap ng food packs, na labis ipinagpasalamat.

Layunin ng aktibidad na matugunan ang agarang pangangailangan ng mga residente, maghatid ng ginhawa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, at maipakita ang malasakit at pakikiisa ng pamahalaan para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Tiniyak ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang patuloy na suporta at tulong para sa kapakanan ng kanilang mga mamamayan at ang mas pinatibay na pakikipagtulungan upang maihatid ang kinakailangang serbisyo sa mga nangangailangan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles