Mahigit 3,000 senior citizen sa San Pablo, Isabela ang nabenepisyuhan ng libreng medical check-up, gamot, financial assistance, at PhilHealth registration sa isinagawang Serbisyo Caravan ng Lokal na Pamahalaan ng San Pablo noong Oktubre 7, 2025, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2025.
Sa mensahe ni NCSC Region II Director Dulceneah Lyra F. Dela Cruz, kanyang binigyang-diin ang mahalagang papel at kontribusyon ng mga nakatatanda sa paghubog ng lipunan. Pinuri rin niya ang Lokal na Pamahalaan ng San Pablo sa matagumpay na implementasyon ng mga programa at serbisyo ng pambansang pamahalaan para sa elderly sector.


Ang naturang aktibidad ay layuning maihatid ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan at pangkabuhayan sa mga nakatatanda bilang pagkilala sa kanilang naging ambag sa komunidad.
Kasama sa aktibidad ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at uniformed personnel na nagbigay suporta upang maisakatuparan ang programang “Serbisyong may Malasakit para sa Nakatatanda.”
Source: NCSC PIA Cagayan Valley




