Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Agriculture Office ang taunang pamamahagi ng mga fingerlings sa New Malolos City Hall, Bulacan nito lamang Miyekules,, ika-8 ng Oktubre 2025.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ni Mayor Christian Natividad, katuwang si G. Romeo Bartolo, City Agriculturist, at mga kinatawan mula sa City Agriculture Office, na aktibong tumulong sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programa.


Layunin ng proyekto na matulungan ang mga Maloleñong mangingisda sa pagpapanatili ng masustansyang suplay ng isda at sa pagpapaunlad ng lokal na industriya ng pangisdaan.
Muling ipinamalas ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos ang tunay na malasakit at suporta nito sa mga sektor na nagsisilbing gulugod ng lokal na ekonomiya, at sa mga mamamayang nagsusumikap para sa isang mas maunlad at mas masaganang Lungsod ng Malolos.





