17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Mountain Operation Search and Rescue Training, isinagawa sa Abra

Nagsagawa ng Mountain Operations Search and Rescue Training para sa mga estudyante ang mga personahe ng Bureau of Fire Protection sa Calaba Bridge, Bangued, Abra nito lamang ika-4 ng Oktubre 2025.

Ang aktibidad ay pinasimulan ng BFP Abra pamumuno ni F/INSP Geofrey V. Gatbonton, katuwang ang 1402nd Community Defense Center na nilahukan ng 36 na estudyante sa pagsasanay na tumutok sa mahahalagang teknik tulad ng Standard Rappel, Lizard Rappel, Traversing, at High-Angle Rescue Operations.

Sa pamamagitan ng aktwal na pagsasanay, nahasa ang kasanayan, teamwork, tiwala sa sarili, pagtugon sa aktwal na hamon ng kalikasan at mga panganib sa bundok.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng Advanced Rappelling Training ay patunay ng dedikasyon ng BFP–Abra at 1402CDC sa kanilang misyon na palakasin ang kapasidad ng mga kabataan at komunidad sa disaster response.

Ito ay isang hakbang patungo sa mas ligtas, mas handa, at mas matatag na sambayanan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles