17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

592 Tobacco Growers sa Cagayan, Nakakuha ng suporta mula sa PGC

Umabot sa 592 tobacco growers mula sa iba’t ibang bayan sa Cagayan ang nakatanggap ng electric knapsack sprayers at polyethylene black sheets mula sa Provincial Government of Cagayan (PGC) sa pamumuno ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA), nitong Oktubre 6, 2025 sa Commissary Hall, Capitol Compound.

Dumalo sa aktibidad si Gobernador Edgar “Manong Egay” Aglipay, na muling iginiit ang dedikasyon ng pamahalaan sa pagtulong sa mga magsasaka. Aniya, patuloy ang kanyang panawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang mapalakas ang suporta sa sektor ng agrikultura sa lalawigan, lalo na ang pagbibigay ng mga proyekto na makatutulong sa kita ng mga magsasaka.

Pinangunahan nina Dr. Pearlita Mabasa, Agriculture Cluster Head ng PGC, at Engr. Arsenio Antonio, Acting Provincial Agriculturist, ang pamamahagi ng mga kagamitan. Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga magsasaka mula sa Alcala, Amulung, Tuao, Baggao, Gattaran, Piat, Solana, Sto. Niño, at Tuguegarao City.

Ayon sa OPA, ang mga naturang benepisyaryo ay mga tobacco farmers na nakapagbayad ng excise tax noong 2020 at 2021. Layunin ng distribusyon na mapagaan ang kanilang gawain sa pagtatanim at pagpoproseso ng tabako.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles