Pormal na inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Ilocos Region ang pagdiriwang ng ika-36 na National Statistics Month sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang exhibit na tampok ang mga kwento at datos na nagpapakita ng mga nagawa ng ahensya sa rehiyon.
Pinangunahan ang pagbubukas ng exhibit nina Mines and Geosciences Bureau I Regional Director Engr. Carlos A. Tayag, Administrative Division Chief Cezanne G. Orallo, Planning and Management Division Chief Bernard B. Quiros, Conservation and Development Division Chief Marilyn Racoma, at Finance Division Chief Rosalia C. Soriano.

Ang temang “Accelerating the SDG Pace of Progress: Mobilizing Data for All” ngayong taon ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng datos sa pagsukat ng pag-unlad ng bansa sa pagtamo ng mga Sustainable Development Goals (SDGs), at sa pagbibigay ng matibay na batayan para sa pagbuo ng mga programa at interbensyon.
Layon ng nasabing exhibit na hikayatin ang publiko na kilalanin ang papel ng estadistika sa maayos na pamamahala at pagpaplano, lalo na sa larangan ng pangangalaga sa kalikasan at likas na yaman.
Source: DENR Ilocos Region




