Umarangkada ang “Hot Meals on the Go” ni Gob. Jun Ebdane sa District Meet sa San Felipe, Zambales nito lamang Oktubre 7, 2025.
Ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng tuloy-tuloy na programa ng Lokal na Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Ebdane, na layong maipadama ang malasakit at suporta sa mga mamamayan, lalo na sa mga estudyante, guro, at atleta na aktibong nakikibahagi sa mga aktibidad ng pamayanan.


Ang paghahatid ng mainit na pagkain ay simbolo ng malasakit sa kapakanan ng bawat Zambaleño, lalo na sa mga nagkakaisa sa gawaing pampalakasan at pang-edukasyon.
Sa ilalim ng Hatid Serbisyo at Malasakit, patuloy ang naturang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng pagkakaisa at kaunlaran sa buong lalawigan.




