17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

PSWDO, nakalikom ng higit Php2 milyong halaga ng donasyon para sa mga nasalanta ng kalamidad sa Cagayan

Nakalikom ng mahigit dalawang milyong pisong (Php2-M) halaga ng donasyon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWDO).

Nabatid kay Acting Provincial Social Welfare and Development Officer Mac Paul Alariao, na ang mga donasyon ay mula sa mga naglalakihang organization gaya ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR), Ayala Foundation Inc./ACEN Renewable Energy Solutions(ACEN RES), Puregold Price Club Tuguegarao na nagbigay bilang food assistance sa mga nasalanta ng nagdaang Super Typhoon Nando at para sa iba pang kabilang sa mga vulnerable sector sa lalawigan.

Kabilang sa mga ibinigay na in-kind donations ay mga sari-saring food and non-food packs, bottled water, iba’t ibang delata (corned beef, sardinas, tuna), choco malt, biscuits, kape at bigas.

Ang donasyon mula sa PAGCOR na 1,500 food packs, 1,500 non-food packs at 3,000 bottled water na tig-1.5 ltrs. ay nasa Sub-Capitol warehouse na nakatakdang ipamamahagi sa mga nasalanta ng bagyo sa islang bayan ng Calayan at ang mga iba pa ay nasa Capitol warehouse.

Patuloy pa rin ang pagtanggap ng anumang uri ng donasyon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamagitan ng PSWDO para sa mga nasalanta ng kalamidad at mga nasa vulnerable sector sa Cagayan.

Source: Cagayan Public Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles