17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

DSWD FO 1, patuloy sa pagpapalakas ng Stockpile ng Food Packs bilang paghahanda sa kalamidad

Patuloy ang pagdadagdag ng stockpile ng Food and Non-Food Items (FNFI) ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 (DSWD FO 1) – Ilocos Region upang matiyak na may sapat na suplay ng tulong para sa mga pamilyang maaaring maapektuhan ng mga kalamidad.

Kamakailan, Octubre 4,2025, muling dumating sa Regional Warehouse ng DSWD FO 1 ang 3,400 Family Food Packs (FFPs) mula sa National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB).

Katuwang ng DSWD FO 1 sa proseso ng pag-unload ng mga FFP ang mga kinatawan mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy. Samantala, ang mga Angels in Red Vests naman ang nagsagawa ng masusing quality inspection upang matiyak ang maayos na kalidad ng mga food packs bago ito ipamahagi sa mga nangangailangan.

Sa kabuuan, umabot sa 9,500 FFPs ang nadagdag sa stockpile, habang inaasahan naman ang pagdating pa ng karagdagang 18,700 FFPs. Ang mga ito ay bahagi ng patuloy na paghahanda ng DSWD FO 1 sa mga posibleng epekto ng paparating na kalamidad, bilang bahagi ng kanilang mandato na magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong pamilya sa rehiyon.

Ayon sa pamunuan ng DSWD FO 1, patuloy ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapanatiling handa at mabilis ang pagtugon sa anumang emergency situation sa Ilocos Region.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles