17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Mga kagamitang pandigma ng rebeldeng grupo, nadiskubre sa Divilacan, Isabela

Nadiskubre ng mga kasundaluhan mula sa 95th Infantry (Salaknib) Battalion ang ilang pampasabog at bala sa Barangay Sapinit, Divilacan, Isabela bandang alas-10:00 ng umaga nitong ika-5 ng Oktubre 2025.

Ayon sa militar, natagpuan ang mga kagamitan sa dating pinagkukutaan ng nabuwag na Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KRCV) na kilalang nag-ooperate sa kabundukan ng Divilacan.

Kabilang sa mga nasamsam ang apat na piraso ng CAPTO Improvised Explosive Devices (IEDs), dalawang rifle grenade, mga detonating cord, 30 bala ng baril, at isang galon ng bigas na tinatayang nasa 20–25 kilo.

Bunga umano ito ng sumbong ng mga residente sa lugar, na muling nagpapatunay ng matibay na ugnayan at kooperasyon ng mamamayan at lokal na pamahalaan sa kampanya laban sa natitirang banta ng terorismo.

Ang mga nakuhang pampasabog at bala ay maingat na isinailalim sa disposisyon ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga sibilyan.

Patuloy namang nananawagan ang 95IB para sa kapayapaan, pagkakaisa, at pakikipagtulungan upang mapanatili ang katahimikan sa lalawigan ng Isabela.

Source: 95th Infatry Salaknib Battalion

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles