17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Bawat Barangay sa La Union, tumanggap ng Php30,000 tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Sa pangunguna ni Governor Mario Eduardo C. Ortega, ipinaabot ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union (PGLU) ang mandatory barangay aid na nagkakahalaga ng Php30,000 sa bawat isa sa 576 barangay ng lalawigan. Ang pamamahagi ay ginanap noong Oktubre 5, 2025, sa Speaker Pro Tempore Francisco I. Ortega Convention Center.

Alinsunod sa Section 324 ng Local Government Code of 1992 (RA 7160), tinanggap ng mga barangay ang nasabing tulong pinansyal sa pamamagitan ng kanilang mga Punong Barangay o Barangay Treasurer.

Pinangunahan ni Liga ng mga Barangay President at Ex-Officio Board Member Ramon Guio A. Ortega Jr. ang naturang payout, na dinaluhan rin ng mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan: BM Maria Rosario Eufrosina P. Nisce, BM Miguel Corleone B. Magsaysay, BM Gerard G. Ostrea, BM Ernesto V. Rafon, at BM Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III, kasama ang mga Department Head ng PGLU.

Ayon kay Gov. Ortega, ang programang ito ay bahagi ng kanyang unang 100 araw na pangako sa ilalim ng “La Union: Agkaysa!”—isang adbokasiyang layuning palakasin ang pamumuno sa antas-barangay at patatagin ang pamamahalang pangkomunidad.

“Ang ating mga barangay ang haligi ng maayos na pamahalaan. Sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan, mas napapalapit natin ang serbisyong pampubliko sa bawat Ilokano,” pahayag ni Gov. Ortega.

Ang hakbang na ito ay patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga lokal na lider upang matiyak na ang kaunlaran ay maramdaman hanggang sa pinaka-grassroots na antas ng pamayanan.

Source: Provincial Government of La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles