15.7 C
Baguio City
Monday, September 30, 2024
spot_img

Pampasabog at kagamitang pandigma ng CTG narekober sa Nueva Ecija

Narekober ng mga otoridad ang mga pampasabog at kagamitang pandigma ng Communist Terrorist Group (CTG) sa isinagawang Internal Security Operations sa Barangay Sapsap, Sta. Rosa, Nueva Ecija noong Abril 20, 2022.

Ang nasabing operation ay isinagawa ng pinagsanib puwersa ng 1st Provincial Mobile Force Company katuwang ang Nueve Ecija-PECU, Provincial Intelligence Unit, 145 Special Action Battalion, 22nd Special Action Company, Sto. Domingo Police Station, Gen. Natividad Police Station, Gen. Tinio Police Station, Zaragosa Police Station, Palayan City Police Station, Talavera Police Station, Gapan City Police Station, Llanera Police Station, San Leonardo Police Station, Sta. Rosa Police Station, 303rd Mechanized Company, Regional Mobile Force Battalion 3, Regional Intelligence Unit 3, Criminal Investigation and Detection Group-NE, Regional Intelligence Division  3, 91st Infantry Brigade (IB), 84th Infantry Battalion, 71st Mechanize Infantry Company at 703rd Brigade.

Ang mga narekober na kagamitan ay base sa pagsiwalat ni Ka Dado na sumuko sa 1st PMFC nito lamang ika-8 ng Abril 2022.

Ang kagamitan na ito ay isang rifle grenade, sampung bala ng baril, dalawang 500 ml na container ng pinaghihinalaang Improvise Explosive Device, limang diodes, apat na transistors, dalawang toggle switches, dalawang fuse, apat na electronic circuit boards, sampung resistors, limang capacitors, sampung firecrackers, isang tester, isang soldering iron, isang soldering pump extension wire, isang improvised tester light, limang electronic plugs, labinpitong ball bearing, isang screwdriver at soldering lead.

Ang pagsuko sa gobyerno ng mga dating rebelde ay patunay na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya kontra terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF- ELCAC.

Layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang mga dating rebelde na magbagong buhay kapiling ang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles