22.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

LGU-Morong at Volunteers, nakiisa sa International Coastal Clean-Up 2025

Sama-samang nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Morong (LGU-Morong) sa isinagawang International Coastal Clean-Up 2025 sa dalampasigan ng Morong, Bataan nito lamang Sabado, ika-21 ng Setyembre 2025.

Pinangunahan nina Mayor Leila Linao-Muñoz at Vice Mayor Chermaine L. García-Sibug, MD ang aktibidad, kasama ang mga kawani, opisyal ng munisipyo, at mga boluntaryo mula sa iba’t ibang sektor.

Nakibahagi rin ang mga kasapi ng Sagip-Pawikan at iba pang organisasyong pangkalikasan sa pagtitipon ng basura tulad ng plastik, styrofoam, at iba pang kalat na banta sa karagatan.

Layunin ng aktibidad na linisin ang dalampasigan ng bayan at mapangalagaan ang yamang-dagat, partikular na ang mga pawikan na itinuturing na mahalagang bahagi ng ekosistema ng Morong.

Ang matagumpay na pagsagawa ng coastal clean-up ay nagsilbing patunay ng pagkakaisa ng komunidad sa pagsusulong ng adbokasiya para sa kalikasan at sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na dalampasigan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles