22.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

LGU San Fernando City, kaagapay ang La Union PPO sa International Coastal Clean-up

Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng San Fernando City ang malawakang paglilinis ng baybayin sa Brgy. Dalumpinas Oeste bilang pakikiisa sa International Coastal Clean-Up (ICC) noong Setyembre 20, 2025, katuwang ang La Union Police Provincial Office (PPO) at iba’t ibang sektor ng komunidad.

Sa pangunguna ni Mayor at mga opisyal ng lungsod, nakipagsanib-puwersa ang La Union PPO sa ilalim ng pamumuno ni PCol Redentor C. Ulsano, kasama ang Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC), PCADU, 1st PMFC, mga istasyon ng pulisya sa 1st District, barangay officials, at mga residente ng lugar.

Ang sama-samang aksyon na ito ay malinaw na patunay ng pagkakaisa sa layuning mapangalagaan ang kapaligiran, maprotektahan ang yamang-dagat, at mapanatili ang kalinisan ng baybayin para sa susunod na henerasyon.

Sa pamamagitan ng International Coastal Clean-Up, muling naipakita na ang kooperasyon ng pamahalaan, pulisya, at mamamayan ang tunay na susi sa isang mas malinis at mas ligtas na komunidad.

Source: La Union Police Provincial Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles