22.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

PHO AT District Hospitals sa Cagayan, handa na sa posibleng epekto ng Bagyong “Nando”

Nakahanda na ang Provincial Health Office (PHO) at mga district hospital sa Cagayan upang tugunan ang anumang posibleng epekto ng Bagyong Nando na nanalasa kahapon, Setyembre 21, 2025. Nagsagawa rin sila ng koordinasyon sa iba’t ibang ahensya upang matiyak ang mabilis na pagresponde sa mga maaapektahang residente.

Ayon sa PHO, naka-standby na ang mga Health Emergency Response Team ng PHO at mga ospital, habang nakaposisyon din ang Disaster Risk Reduction Management in Health (DRRM-H) Quad Cluster para agarang makaresponde sa anumang health risk na maaaring idulot ng bagyo.

Kabilang sa mga inihandang hakbang ang prepositioning ng logistics at emergency commodities, gayundin ang pagsasaayos ng mga pasilidad upang maiwasan ang pinsala sakaling magdulot ng malakas na ulan at hangin ang bagyo. Dagdag pa ng PHO, naka-setup na rin ang radio communication system para sa real-time monitoring ng lahat ng ospital sa probinsiya, at siniguro rin ang kahandaan ng mga generator set na magsisilbing backup power kung sakaling mawalan ng suplay ng kuryente.

Samantala, pinaaalalahanan ng PHO ang publiko na manatiling alerto, sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad, at agad lumikas kung kinakailangan para sa kaligtasan ng bawa’t isa.

Source : Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles