Matagumpay na isinagawa ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA-RFO2) ang pamamahagi ng mga kagamitang pangsaka sa iba’t ibang Farmers’ Association at Cooperative mula sa Alcala, Baggao, Buguey, Ballesteros, Enrile, Gattaran, Iguig, Lasam, Sanchez Mira, Solana, Pamplona, at Piat, na ginanap sa Capitol Compound, Tuguegarao City, Cagayan, nitong Lunes, Setyembre 8, 2025.
Pinangunahan ang aktibidad ni DA RFO2 Regional Director Rose Mary Aquino, kasama sina Bise Gobernador Manuel Mamba, Provincial Administrator at Consultant on Agriculture ng Cagayan.


Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga consultant, at mga department head ng Kapitolyo ng Cagayan.
Layunin ng aktibidad na maipamahagi sa mga magsasaka ang iba’t ibang makinarya at kagamitang pansaka na inaasahang makatutulong sa kanilang produksyon at operasyon.
Hinihikayat ng pamahalaan ang lahat ng magsasaka at mamamayan ng Cagayan na suportahan ang mga programang pang agrikultura upang mapalakas ang produksyon ng pagkain, mapaunlad ang kabuhayan, at masiguro ang seguridad sa pagkain ng bawat pamilyang Pilipino. Ipinapanawagan din ang sama-samang pagtataguyod ng progresibong agrikultura para sa mas maunlad na Cagayan
Source: PIO cagayan




