18.3 C
Baguio City
Saturday, March 14, 2026
spot_img

1,200 Punla ng niyog at akasya, itinanim sa Dagupan

Nagsanib-puwersa ang LGU-Dagupan, GSP Dagupan Council, at Philippine Coconut Authority (PCA) sa isang tree planting at clean-up drive bilang bahagi ng 2025 Girl Scout Week noong Setyembre 5, 2025 sa One Bonuan Tourism Pavilion.

Halos 900 boluntaryo ang nagtanim ng 1,200 punla (500 niyog at 700 akasya) sa baybayin ng Bonuan Tondaligan Ferdinand Blue Beach.

Ayon kay Mayor Belen T. Fernandez, na siya ring GSP Council President, ang aktibidad ay pagpapatuloy ng pagtatanim noong Agew na Dagupan at bahagi ng plano ng lungsod na gawing eco-tourism park ang dating dumpsite.

Lumahok din ang mga opisyal ng GSP, PCA, CENRO, at mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan.

Source: Dagupan City Government-Information Office

Panulat ni Mannurat ti Ilocos Norte

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles