24.7 C
Baguio City
Sunday, May 17, 2026
spot_img

Tulong pinansyal para sa mga Kabalen na may espesyal na pangangailangan, handog ng DSWD

Naghandog ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng tulong pinansyal para sa mga Kabalen na may espesyal na pangangailangan sa lalawigan ng Pampanga nito lamang Miyerkules, Setyembre 3, 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ni Ms. Fe Manarang, Head ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang sina Governor Lilia “Nanay” Pineda, Board Members Fritzie David Dizon, Atty. Claire Lim, at Sajid Eusoof.

Sa kabuuan, 1,122 benepisyaryo ang nakatanggap ng P2,000 financial assistance, kalahating kaban ng bigas, at maintenance medicines upang makatulong sa kanilang gamutan at pang-araw-araw na pangangailangan.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng ginhawa, suporta, at pag-asa sa mga pamilyang Kapampangan na may kaanak na may mental, neurological, at substance abuse conditions, gayundin sa iba pang may espesyal na pangangailangan.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaan sa iba’t ibang ahensya na nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan upang matiyak na lahat ng Kapampangan ay mabibigyan ng nararapat na suporta.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,700FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles