Muling umarangkada ang programang Libreng Anti-Rabies Vaccine ng mga tauhan ng Municipal Veterinary Office ng Concepcion para sa mga alagang aso at pusa ng mga residente ng Barangay Tinang, Concepcion, Tarlac nito lamang Martess ika-26 ng Agosto 2025.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Dr. Roland Arciga, Municipal Veterinary Office na inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pamumuno ni Mayor Noel Villanueva.
Ang serbisyong ito ay naglalayong mapanatili ang proteksiyon laban sa nakamamatay na sakit na rabies na mapanganib hindi lamang sa mga hayop kundi pati na rin sa tao.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad upang mapanatili ang kaligtas ng kanilang mamamayan.






