17.2 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

DA, nagkaloob ng higit Php3.4M na makinaryang pansakahan sa mga magsasaka ng Mangaldan

Ipinagkaloob ng Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng DA–Regional Field Office I (DA-RFO I), ang mga makinaryang pansakahan na may kabuuang halagang Php3,475,000.00 sa dalawang samahan ng magsasaka mula sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan noong Agosto 22. Ginanap ang pormal na seremonya sa Agricultural Training Institute – Regional Training Center I (ATI-RTC I) sa Sta. Barbara.

Tumanggap ang Masigasig-Alitaya Farmers Irrigators Association Inc. ng isang Rice Combine Harvester na nagkakahalaga ng PHP 1,995,000.00, habang isang 4-wheel drive tractor na may kumpletong accessories na nagkakahalaga ng Php1,480,000.00 naman ang ipinagkaloob sa Maasin-Malabago Farmers Irrigators Association Inc.

Ang nasabing pamamahagi ay bahagi ng Rice Program ng DA-RFO I, na layuning pataasin ang produksyon ng palay sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya at episyenteng makinarya. Inaasahan na ang mga kagamitang ito ay magdudulot ng mas mabilis, malinis, at magaan na proseso ng pagsasaka, na magreresulta sa mas mataas na ani at kita para sa mga benepisyaryo.

Aktibong nakibahagi ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng Mangaldan sa koordinasyon at implementasyon ng proyekto bilang katuwang ng DA sa pagpapatupad ng mga inisyatibang pang-agrikultura sa bayan.

Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Mayor Bona Fe De Vera Parayno sa DA-RFO I sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa sektor ng agrikultura. Aniya, mahalaga ang ganitong programa sa pagsusulong ng modernisasyon sa pagsasaka at sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles