17.2 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

120 Dating OFWs, binigyan ng panibagong pag-asa sa Negosyo Training

Isang makabuluhang hakbang para sa kapakanan ng mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) ang isinagawa sa Tuguegarao City Function Hall noong ika-19 ng Agosto 2025.

Umabot sa 120 ex-OFWs mula sa lungsod at iba pang bayan sa Cagayan ang lumahok sa Financial Awareness Seminar and Small Business Management Training (FAS/SBMT).

Ang programa ay pinangunahan ng Department of Migrant Workers (DMW) Region 02, katuwang ang Tuguegarao City Government at Department of Trade and Industry (DTI) Region 02, na may layuning palakasin ang kaalaman ng mga dating OFWs sa tamang pamamahala ng pera at pagtatayo ng maliit na negosyo bilang alternatibong pagkakakitaan.

Tinuruan ang mga kalahok ng financial literacy, entrepreneurial mindset, business planning, at basic bookkeeping mga kasanayang makatutulong sa kanilang pagbabalik at muling pagsisimula sa bansa.

Ayon kay Ms. Mary Jane Pasion, Migrant Affairs Officer Designate ng Tuguegarao City Government, mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa pananalapi at negosyo upang masiguro ang mas maayos na kinabukasan para sa mga nagbalik-bansang manggagawa.

Sa pangunguna ni Mayor Maila Rosario S. Ting-Que, patuloy na isinusulong ng Tuguegarao City Government ang mga programang nakatuon sa reintegration ng mga OFW na hindi lamang tumutugon sa kanilang agarang pangangailangan kundi nagtuturo rin ng mga kakayahang magbubukas ng mas matatag at masaganang kabuhayan.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng FAS/SBMT ay patunay na sa pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan, posible ang pagbibigay ng bagong pag-asa at oportunidad sa mga bayaning manggagawa ng bansa.

Source: Tuguegarao City Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles