17.2 C
Baguio City
Thursday, July 2, 2026
spot_img

Pangasinan, itinutulak ang malawakang plano kontra baha

Inilunsad ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gobernador Ramon V. Guico III, ang komprehensibong programa laban sa pagbaha sa pamamagitan ng malakihang river desiltation at rehabilitasyon ng mga daluyan ng tubig nito lamang ika-19 ng Agusto, 2025.

Alinsunod sa DENR Administrative Order No. 2020-07, ipatutupad ang proyekto nang walang gastos sa probinsya dahil sasagutin ng mga pribadong ahensya ang operasyon habang tinitiyak ang pagsunod sa mga regulasyong pangkapaligiran.

Kasama sa plano ang rekonstruksiyon ng drainage systems, pagtatayo ng pumping stations, retention ponds, at flow protection systems. Isinusulong din ang isang ordinansa upang makapagtatag ng inter-agency task force na tututok sa flood mitigation at river rehabilitation.

Nanawagan ang pamahalaang panlalawigan ng suporta mula sa Kongreso upang matiyak ang pondo at pagpapatuloy ng pangmatagalang flood management program na layong maprotektahan ang buhay, ari-arian, at kabuhayan ng mga Pangasinense.

Source: Province of Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles